Sunday, February 20, 2011

Talambuhay ni Nicole Garcia Silvestre

fourth year high school na ako dito:)
Ang aking buhay ay nagsimula sa pag-iibigan ng aking magulang na si Ana Marie Silvestre at Domingo Silvestre. Ako ay bunso sa aming magkakapatid. Tatlo kaming babae. Panganay si Ate Nadine na graduate na ng Nursing at si Ate Nikka na nakatapos na ng highschool pero hindi pa rin nagka-college. Ang tatay ko ay isang tricycle driver at ang nanay ko ay isang may bahay lamang at pag-aaruga, kapos man minsan pero nakakaraos din.
                                                                  
            Ako nga pala si Nicole Silvestre. Wala akong palayaw pero karamihan pinapaiksi pa nila ang pangalan ko, “Nic2”. Sabi sakin ng nanay ko, uso daw nun ang “Nicole” kaya yun ang pinangalan sakin. Tyaka ito daw ang gusto ng lola ko. Setyembre 7, 1995 ako ipinanganak. Sa lugar ng Macabebe, Pampanga. Dito ko ipinanganak dahil taga ditto naman talaga ang magulang ko. Sa ngayon, ako ay labing-limang taong gulang na. Nakatira sa Brgy. Sta. Isabel, San Pablo City.

            Limang taong gulang pa lamang ako ng ako’y pumasok sa kinder. Wala pa akong hilig sa pag-aaral kaya panay laro lang ang alam ko. Naaalala ko nga nun, madalas akong kumuha ng mga junkfoods at softdrinks sa tindahan naming. Makikita na lamang ako ng aking ina na nagtatago sa likod ng pintuan at umiinom ng coke. Hindo ko din pinalampas nun ang kumuha ng madaming barya at baunin sa iskul.

            Nasa ika-limang baiting ako ng ipinanlaban ako n gaming school sa declamation. Sampung school ang naglaban-laban at nakamit ko ang 3rd place. Masaya na rin ako dun dahil first time ko sumali sa ganung contest at nagkaroon pa ako ng place. Sinundan naman ito ng nasa ika-anim na baiting na ako, oration. Sadya atang ang nangunguna ay para sa una lang, at ang pangatlo ay para sa pangatlo. Nakamit ko ulit ditto ang pangatlong pwesto. Thankful na din ako dun dahil ako lang ang nakakuha n g place sa aming school nun. Tuwa din ako nung dumating na ang graduation, at least nagkaroon ako ng special award.

            Pag-usapan natin ang tungkol sa buhay estudyante. Ang pagiging highschool student, maiisip ko pa lang ang Algebra Exam, Science Lab and activity at ang essay para sa English na mangyayari lamang sa loob ng isang araw. Parang gusto ko na lang magpatapon sa isang disyeryto na mayroon lamang dala na compass at konting tubig. Ganun ata kahirap ang pagsabaysabayin lahat yun.

kuha ito nung 18th bday ng friend ko...
            First year ako ng malaman ko kung paano gawin ang pagka-“cutting”. Ang hindi pagpasok sa mga subjecyt na akala ng iba ay walang halaga. Dun ko din nalaman ang salitang “friendster”. Halos araw-araw ata nasa computer shop ako kasama ang mga kaklase ko. Naalala ko tuloy yung okay lang na maglugaw ako sa tanghalian basta makapagcomputer lamang. Dito ko din nakilala si John Louise, ang first boyfriend ko.

            Second Year! Andami nangyari sa pangalawang taon ko sa highschool. Nagkaroon na ako ng barkada. Si Diane na lagi akong kasama at parang kapatid ko na talaga! Konti lang ang distansya ng bahay nila samin kaya pag may project, kami lagi magkasama. Madali kami nagkasundo dahil elementary pa lang ay close na kami. Si tricia na lagi kong katabi sa upuan, sa kanya ko natutunan kung pano magtext ng patago.
my friends!!!x)
Masarap syang maging kaibigan. Si Aira naman ang pinakasalaw sa lahat. Akala mo lalake kumilos pero anlaki ng conserned sa amin at ang huli ay si shaira di ko akalain na magiging close friend ko sya kasi galing sa ibang section sya. Panalo sa biritan. Pero syempre, hindi parin mawawala ang bonding naming. Masaya talaga ang second year. Madaming activity at lagging may makukuhang place ang aming section. Dito na papasok ang lovelife ko. Si John Louise, nanligaw sya sakin nung first year pero dinededma ko kasi nga ala naman akong feelings sa kanya. Hanggang sa nagka-crush na nga ako sa kanya. Pero bakit ganun? Kung kalian naman may nararamdaman na ako sa kanya, dun ko nalaman na paalis nap ala sya papuntang Manila. Masakit yun para s akin. Pero bago sya umalis, nagtapat ulit sya sakin at yun nagging kami na nga. Madami nanghinayang na kung kaulan nagging kami dun naman sya paalis. Pero walang magagawa e. Natagal ang 3 buwan, hindi ko kinaya ang long distance relationship, kaya ayun, nakipaghiwalay na ako. Malungkot pero ok na din.

            Sa Pangatlong taon nagkawatak-watak an gaming barkada. Yung iba nagkaroon na ng ibang kaibihan at ung iba pa napunta sa ibang section. Kami ni Tricia na lang ang natitira at dumagdag si loren. Dito din nagsimula ang buhay ko sa simbahan. Sumali ako sa isang organisasyon o Youth Choir. Madami akong natutunan. Madami rin akong naging kaibigan. Sa ngayon, dalawang taon na akong nagseserve kay God. Sa totoo lang, mas gusto ko ang mga kaibigan ko sa choir kaysa sa mg akaklase ko. Bakit? Dahil sa kanila, naiintindihan nila ang lahat, may malawak na pang-unawa at iba pang magagandang ugali. Hindi ko naman sinasabi na masama ang mga kaklase ko, pero syempre mahirap magsama ang mga iba’t-ibang ugali.
yahooo,,my youth ministry family!! love them all:)

            Nagkaroon kami ng tawagan nina Loren. SI tricia “Chumthie”, si Loren naman “Chumnlhie” at ako “Chumnhie”. Naging masaya naman ang bonding naming, ang pagkakaibigan. Kay Tricia ko nasasabi ang lovelife ko, syempre matagal ko na syang kaibigan at alam kong mapagkakatiwalaan sya.

            Sa ngayon, fourth year na ako. Ang huling taon sa highschool. Nawala na ang “chumz” pero hindi pa rin mawawala ang mga pinagsamahan naming. Dito ko nakilala ang mga bago kong tropa! Si Juday Ann, na nagging top 1 sa klase naimn. Si Nicole, ang katokayo ko. “Nicole Squared” ang tawagan naming kasi kung sa math may square root. At si Mary Ann, matagal ko na siyang kilala at kaibigan. Masaya naman an gaming pagkakaibigan, minsan nga lang hindi mawawala ang tampuhan.

go 4blazers! yupeee..we are the champion!:))
            Masaya nag fourth year para sa akin, madaming activity at nagiging ka-close ang bawat isa. Syempre as a Senior, nagiging pasay din sa mga nakakabata. Hindi pa rin nawawala ang kakulitan. Hindi din mawawala ang pagkokopyahan, dahil yun naman talaga ang Gawain ng estudyante. Pero maganda na din ang nag-aaral ng mabuti. Nakakatuwa din ang C.A.T., medyo mahirap pero masaya. Minsan nga lang di maiiwasan ang mababad sa initan at sobrang mamawis. Pero bilang graduating, gagawin ko ang lahat para makatapos. Sisikapin ko na magkaroon ng magandang kinabukasan.

No comments:

Post a Comment