Sunday, February 20, 2011

Ang simpleng buhay ni Barry Lyndon Racelis Dorado


Ako nung graduation ko nung Daycare.

Ang kwento ng aking buhay ay maituturing kong masaya na malungkot. Malungkot dahil minsan ay nagkakaroon kami ng konting pagtatalo sa pamilya. Masaya dahil kumpleto pa rin kami sa pamilya at wala sa aming napapahamak. Masasabi ko ring  masuwerte ako dahil binigyan ako ng Diyos ng malakas at malusog na pangangatawan.

Bago ang lahat nais ko munang magpakilala. Ako ng pala si Barry Lyndon Racelis Dorado. Ipinanganak ako noong ika-dalawampu,t walo ng Nobyembre taong 1994 sa 345 Brgy. Sto. Angel San Pablo City.

Ang aking talambuhay ay nagsimula sa pag-iibigan ng aking mga magulang na sina Luisito at Lucila. Ang aking mga magulng ay kapwa taga-Lucban sa Quezon Province. Sila ay nagpakasal noong ika-siyam ng Nobyembre taong 1975. ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng labing-tatlong anak. Sila ay sina Lisette, Leonardo, Lawrence, Lemuel, Lorraine, Lyncelle, Luisito Jr., Lalaine, Lady Loradel, ako, Lana Czarina, Lara Marion, at Louren James. Kahit kami ay labing-tatlong mag kakapatid karamihan sa amin ay tapos na ng pag-aaral. May apt na nakapag-tapos ng accountancy, isa ang business administration at isa ring information technology.
  
Ako at ang pinsan ko nung lumaban kami ng  sayaw nung Grade 2 kami.
Ako ay pumosok mg elementarya sa paaralan ng elementarya ng Brgy. Sto. Angel. Ang pag-aaral ko sa elementarya ay napakasaya kasi dun ako unang natutong makibagay sa ibang tao. Nung ako ay nag grade 6 ito ang pinakamasaya kasi dun kami nagkaron ng mga kaibigan ko ng bounding upang makilala pa naming ang bawat isa.

Ako ay nag sekundarya sa paaralang Col.. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Sabi nila ang highschool life daw ang pinakamasaya at masasabi kong ito ay totoo dahil ditto ako nakakilala ng iba pang tao at nakapunta a iba’t-ibang lugar. Nung ako’y first year di ko alam ang gagawin ko kasi ibang tao at pag-uugali ang makikita ko pero pagkaraan ng ilang linggo ay nakasundo ko rin naman ang mga bago kong kakaklase. Ang pinakamataray kong naging titser noon ay si Sir Lacsam. Kaya ko nasabi yun gawa kasi ng facial expression niya pati yun kasi ang sabi ng iba pero nung tumagal mabait pala siya. Tandang-tanda ko nung pinagalitan ako niya kasi biglang baba ang grade ko sa kanya mula 88 ay nagging 81 n lamang.

Nung ako ay nag second year di ko ulet alam ang gagawin ko kasi napalipat ako ng section. Sa nilipatan kong section ay ilang lingo pa ang lumipas bago ko sila nakasundo. Sa section ding ito ako nagkaroon ng barkada na hanggang ngoyon ay magkakabarkda pa rin kami.

Nung ako ay third year napalipat ulet ako ng section pero Hindi na ako nahirapang machismo sa kanila kasi halos lahat sa kanila ay kakilala ko n talaga. Sabi nila third year daw ang pinakamahirap na year level sa highschool. Pero para sa akin di kko na napansin yun kasi nagkaron kami ng maraming activities. Third year din ako nag volunteer sa CAT o Citizenship Advancement Training kung saan nakakilala ako ng bagong mga kaibigan at nakasama ko din yung dati ko nang mga kaklase. Nung una ayoko talagang mag volunteer kasi wala yun sa isip ko pero nang tumagal ay nagustuhan ko na rin kahit mahirap masaya naman dahil magkakasama naming yun ginagawa. Sa third year na science camp ang pinakamasaya kasi nagkaron ng maraming activities na nagbigay samin ng pagkakataon na makilala ang ibang year level. Dito rin naganap ang una naming JS Promade.pagdating ng summer ay ginanap ang aming summer training sa CAT. Ditto sa amin itinuro ang lahat ng bagay tungkol s CAT. Ito ay ginanap sa loob ng dalawampung araw. Isang beses sa isang linggo dun kami matutulog sa skul. Ditto marami sa aming itinurong drills at lectures. At yung huling linggo namin ay puro na lang pag aayos at pag lilinis. Yung huling araw ng aming training ay ang aming graduation at yun din ang unang araw na naging officer na kami. Pagkatapos ng graduation ay binigyan kami ni Sir para makapagusap.

Ako at ang mga classmate ko nung fourth yaer
Ang fourth year naming ang pinakamasaya sa lahat kasi mas marami kaming naging activities. Nagkaron kami ng mini-olympics na pinakamasaya kasi kahit hindi kami handang lumaban ay kami pa rin ang nanalo sa cheerdancing competition. Nag champion din kami sa basketball. Akala pa naming di kami makakasali kasi nag kulang kami ng psng props. Bago nga pala mangyari ang aming mini-olympics ay ang huli muna naming fieldtrip sa Dizon High. Ang una naming pinuntahan ay ang Bio-research. Nakakainis lang nung andun na kami ay sobrang bilis maglakad nung tour guide na napatapat sa amin. Ang sunod naman naming pinuntahan ay ang light and sounds museum sa Intramuros.ang galling ng pagkakagawa ng mga pictures at sound effects. Pagkatapos nun ay dumeretso kami sa Fort Santiago kung san ikinulong si Rizal. Sumakay din kami ng kalesa, pagkatapos ay nilibot na naming ang Fort Santiago. Nakita namin ang mga ginamit ni Rizal sa pag sulat ng nobela. Ang huli naming pinuntahan ay ang SM Mall of Asia. Ang una naming pinuntahan ay ang netopia kasi gusto ng mga kasama ko na mag computer.

Ang pinakamasaya sa lahat ay ang christmas party namin sa CAT . Marami kaming ginawang activities tulad ng bebot, volleyball, obstacles. Ang pinakamasaya ay ang obstacles kasi gumulong kami sa oval na binasa ng tubig para maging maputik. Pagkatapos nun ay apple eating. Kinabukasan ay pumunta naman kami kina sir. Dun kami nag christmas party na puro officers lng ang kasama.

Ang sunod naming activity sa skul ay ang seminar ng lahat ng fourth year tungkol sa Disaster Management na ginanap sa grandsand sa skul. Itinurosa seminar kung anu-ano ang mga dapat at di dapat gawin kung may nangyayaring sakuna. At ang huli ay ang huli naming JSna may theme na Hawaiian. Ito ang pinakamasaya sa lahat at pinakamalungkot. Malungkot kasi magkakahiwalay na kaming magkakaklase.

At ditto na nagtatapos ang kwoemto ng aking buhay.

No comments:

Post a Comment