" Ako Bilang Ako "
Ako nung Baby pa |
Ako si Lyslie Ann Busque Cagitla ay panganay na anak nina Arlene Busque at Celestino Cagitla. Ipinanganak ako noong Pebrero 23, 1995 sa Barangay San Ignacio San Pablo City .Ang aking nag iisang kapatid ay si Charles Clark Dominic Busque Cagitla.
" mama at papa "
Ang aking ina na si Arlene Busque ay nakatira sa Butuan City, Mindanao. Siya ay tatlumpu’t pitong taong gulang na. Siya ay pumasok sa kanilang bayan sa paaralan ng NORMISIST ,pumasok sya ng kolehiyo at kumuha ng kursong pagtuturo o guro ngunit hindi niya ito natapus dahil sa pag- iibigan nila ng aking ama na si Celestino Cagitla na nakatira sa kasalukuyang tinitirahan namin dito sa Laguna bayan ng San Pablo City Barangay San Ignacio. Siya ay apat na pu’t anim na taong gulang na.Siya ay isang Welder.
"ako at papa"
"ako at si mama"
Kahit date nung ako'y Bata pa, kahit na madalas ako pinapalo ng mama at papa ko masaya ako dahil pinararamdam nila sa akin kung gaano nila ako kamahal. Ang papa ko minsan lang yan magalit pero pag nagalit naku! tago na agad ako .hehehe ang kulit ko naman kasi e! pero syempre mahal ko naman yon kahit ganun, kasi pag ako ay napapagalitan ni mama eh lagi ako pingtatanggol.Pati pag may pinupuntahan ako e, lagi ako sinusundo sa bayan pag gabi kahit na malabo na yung kanyang mga mata.
Si mama naman naku eh sobrang bait nito! wla na akong hahanapin pa kasi barkada na, nanay pa, at best friend pa!. Sa lahat ng problema ko sya lagi ang una kong sinasabihan kasi sya ang nakakaintindi sa aken. Kaya naman sobra ko syang mahal di ko nga lang maparamdam nahihiya ako e, hindi naman ako sweet katulad ng kapitd ko.Ngunit pag ito naman ang nagalit ay sobrang sakit mag salita pero ayus lang yun mahal ko naman sya.
" Kapatid ko "
Ito naman ang kapatid ko na si Charles Clark Dominic Cagitla a.k.a NIKO ay naku! halos walang araw kami nito na hindi nag-away. Ang tamad naman kasi e, kaya naman lagi kami napapagalitan.
Ang aking “hobbies” naman ay ang maglaro ng badminton .Nung ako’y elementery lumaban ako sa District meet at nakuha ko ang 2nd place at nakapasok ako sa Division meet at sa pagkakataong yun dun ako natalo, at ang isa pa din sa mga hilig ko ay ang pagtetext dahil pag naboboring ako ,pag wala ako kasama at lalo na pag wala ako ginagawa eh ang cellphone ko lagi ang aking hawak subalit dahil na din sa cellphone kaya ako ay laging napapagalitan ng aking mga magulang nagiging tamad na daw ako dahil sa pagtetext nalang nauubos ang aking oras at may oras naman na pag napapagalitan ako eh ang cellphone ko ang kinukuha kaya naman pag wala akong cellphone e sobrang boring ng life ko kaya yun nadala na ako , naging masipag muna ako tapus yun tsaka lang napabalik cellphone ko.
"3 years old ako"
Ako’y tatlong taong gulang sa hindi inaasahang pangyayari ako ay nagkaroon ng anim na tahi sa may bandang kanang noo ko sa kadahilanang nung ako’y pinaliliguan ni mama ay nabitawan ako dahil medyo takot ako noon sa tubig ayoko ng pinaliliguan ako at sa sobrang likot ko na din kaya dahil dun nauntog ang ulo ko sa isang malaking bato at dahil din don nagkaroon ako ng peklat sa kanang noo.
" Class Picture KINDER GARTEN "
"Kinder Graduation "
Sa paaralang Bernardina Aranza Deveza Memorial Elementary School ako nag-umpisa ng aking pag- aaral .
Nung ako’y limang taong gulang ako ay nag umpisang mag-aral bilang Kinder Garten, ang aking naging guro ay si Binibining Maridel Javier. Ako ay isa sa mga naging Achiever at Best in Writing. Nung ako’y bata pa nakakatawa mang isipin pero ang gusto ko ay maging isang guro ngunit habang nagbabago ang panahon, lumalawak na ang aking pag iisip ang balak ko na ngayon pagka graduate ng High School ay Industrial Engineer .
"Elementary Graduation"
" mama and me "
Nung ako naman ay nasa Ika-anim na baitang ang guro ko ay si Ginang Julieta V. Fernandez. Sa loob ng isang taon naming pag sasama ng aking mga kamag-aral ay may isang pangyayari ako sa buhay ko na hindi ko malilimutan ay nung ako ay nagkatagos first time ko na nangyari sa tanang buhay, ko yun kaya naman sobrang hiya ko nun pero ayus lang naman yun ika nga “ Its part of Growing Up “. At nung nalalapit na ang aming graduation nakuha ko ang pinaka mataas na parangal sa larangan ng Girls Scout, ako ay isa sa pinalad na maging GIRLS SCOUT OF THE YEAR noong taong 2006-2007 at nakamit ko din ang Most Industrious ng aming klase.
" Colonel Lauro D. Dizon "
"Class Picture 1st year High School"
Noong ako’y tumuntong na ng High School. Ako ay pumasok sa paaralan ng Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School .First year High School ako ang guro ko ay si Ginang Reinilda Baylon. At ang masayang alaala ko nung first year ako ay sa subject ni Ginoong Dennis Lacsam ang Computer. Sa unang pagkakataong yun unang sampung estudyante ang pinapasok ni Sir sa computer room upang i-okyupa ang sampung computer dun at isa ako sa sampung estudyante na nakapasok, subalit hindi pa talaga ako marunong humawak at gumamit ng computer dahil sa pagtuturo ni sir ay unti-unti kong natutunan kung paano gamamit at humawak ng computer. Ang naging malapit na kaibigan sa aken ay si Eden Joy Caguite. Siya ang lagi kong kasama san man kami magpunta
Aku’y 2nd year high school ang guro ko ay si Ginang Sotalbo. Ang naging malapit naman sa aken ay si Angelyn De Ocampo at si Gretel Shaey Pedraja , dahil ang naging best friend ko nung first year na si Eden Joy Caguite ay napalipat sa ibang section.
" Class PictuRe namin nung 3rd year Kami "
" PUSUT FOR EVER! "
3rd year high school naman ang guro ko ay si Binibining Lee at Ginang Umali. Ang naging malapit na kaibigan ko naman ay sina Rissa Andrada, Sushmita Gapi, Charmaine Palomado at Pauline joie Ramirez. Sila ang naging mga sandalan ko kapag may problema ako pero ang higit na nkasundo ko ay si Pauline Joie Ramirez . Sya ang pinaka The Best na kaibigan na nakilala ko kase pareho kame ng ugali at mga gusto kaya naman mabilis agad kaming nagkasundo, na kahit minsan nag kakaaway kame dahil lang sa maliit na bagay eh pero mabilis naman agad namin itong nasusulusyonan at ng minsan dahil nga sa lagi kame tinotopak pag kame ay magkasama napag isipan namin na makaroon ng tawagan sa isa’t-isa at yun ang ang tawagan naming PUSUT at madami sa amen ang nagtatanung kung saan namin nakuha nag tawagan naming yun pero hindi rin namen alam. Pero hindi na importante yun kase masaya naman kame.
" Cheer Dance 2011 4-BLAZERS"
- maine - rissa - leslie - mhitah -
.mga best friends ko ngaung 4th year.
4th year naman ako ngayong kasalukuyan taong 2010-2011 ang guro ko naman ay si Ginoong Ariel Villanueva. Ang pinaka masayang parte ng High School life ko , dahil madaming nangyari sa buhay ko na masaya at maganda dahil kahit sa mga kalokohan kame ay hinding hindi nag iiwanan pati sama-sama kapag may gagawing hindi maganda, at yun ang sobrang mamimis ko.Pati na rin ang mga naging bahagi na ng buhay High School ko , sina Maine, Rissa, Mhita.
Buwan ng setyembre, Araw na tinakda sa amin na kung saan ang lahat ng 4th year level ay maglalaban laban sa sayaw na CHEER DANCE kaya naman ito ay talgang aming pianghandaan ng husto, nagsikap kame at nag sipag sa pagpapraktis para maging maganda at maayos ang kalabasan ng aming sayaw. Dahil nga sa kagustuhan nga namin na manalo sa kompitisyon kung sinu-sino na lamang ang nagturo sa amin hanggang sa nagbayad na kame ng magtuturo sa amen pero may mga nagtuturo na aming nagustuhan ngunit ang nagtiyaga na magturo sa amin ay si Ate Melo kung tawagin siya ay dating graduate sa Dizon at isa sa mga miyembro ng tiklad sa aming paaralan .Kahit siya ay medyo may pagka mataray aus lang sa amin yun dahil alam naman namin na para rin sa ikagaganda ng aming sayaw yun minsan nga naroon na yung matagal kaming nakabilad sa araw na nakaluhod pa sa initan , sa kadahilanan na rin na minsan ay pasaway kame at pamali-mali.ngunit sa kabila ng lahat ng yun sulit ang lahat ng pagod at hirap namin dahil nung lumaban kami, kami ang nag champion sa lahat at dahil dun sobrang pasasalamat namin sa nagturo pati na rin sa aming mga sarili dahil sa kooperasyon ng lahat at ang hangarin namin na manalo.
Buwan ng Oktubre , isa sa mga araw nito ay ang election day kaya naman agad kaming nagpunta sa kapitolyo upang magparehistro para makaboto. Ang balak ko talaga ay tumakbo bilang SK Councilor ng aming Barangay at ang tatakbo dapat bilang SK Chairman ay ang pinsan ko subalit wala pa siya sa hustong edad na kailangan para don kaya’t nagpasya ang mga pinsan at kamag-anak ko na patakbuhin ako bilang SK Chairman tutal madami naman daw ako kakilala ,natuwa naman ako nun kaso mayroon pa rin akong pag-aalinlangan dahil alaam kong isa itong malaking responsibilidad pero nangako naman sila na tutulungan nila ako kaya napag-isipan ko na din na tumakbo kasi para makatulong din ako sa mga magulang ko .
Siyam na araw ang pangangampanya , kami ay naglibot sa buong San Ignacio kasama ang mga ibang kabataan at ang mga tatakbong Sk councilor na sina Carlo Almine, Zarah Malabanan, Harlene Castillo, Mary Joy Bulahan, Dollie Aranza, Jonathan Almare, Julie Bural at ang sumapi sa amin na si Rogelio Panuelos Jr. sama-sama kaming nangampanya sa bawat bahay kahit na santing ang init ng araw.
Oktubre 25,2010, araw ng Eleksyon na ginanap sa Paaralan ng Branzza halos lahat ng boboto ay hindi magkamayaw kung sino ang kanilang iboboto at pati ako ay sobrang kinakabahan na din kahit hindi pa nag-uumpisa ang botohan. Alas-otso ng umaga nag-umpisa ang botohan at natapus ng alas-tres ng hapun at dun sobrang kaba ko na talaga hanggang sa mag gabi na at natapus ang bilingan. Nung mga oras na yun aku’y nasa aming bahay at naghihintay ng resulta ng botohan at yun nga ng nasabi na ang nanalo sobrang dami ng nagtext sa akin at binate nila ako kaya naman agad akong nagpunta sa Iskul at nagpasalamat sa mga taong bumoto at naniwala sa akin, subalit may isang kapartido kami na hindi nakapasok at yun ay si dollie pero kahit ganon ang nangyari masay pa rin kame dahil nanalo kami.
-Arwin Namoca-
Tungkol naman sa buhay pag-ibig ko ang unang naging first boy friend ko ay si Arwin Namoca. Mabait sya at magalang kaya naman mabilis silang nagkasundo ng aking mga magulang at naging legal ang relasyon namin pero minsan lang kami magkita. Minsan nga ay sya ang pumupunta sa aming bahay at masaya naman ako dahil sinusunod nya ang aking mga magulang at nirerespeto.
" syempre ako na toh ! "
LYSLIE ANN BUSQUE CAGITLA
LYSLIE ANN BUSQUE CAGITLA
Sa labing anim na taon kong nabubuhay dito sa mundo , marami na akong naranasan na mga bagay na magaganda at masama pero lahat ng yun nakaya ko namang harapin. Natuto akong magmahal ,at ang kahalagahan ng mga mahal ko sa buhay dahil kung wala sila siguro nasa maling landas na ako ngayon . Kaya naman nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong nagmahal sa akin at mga taong nakapaligid sa akin.
MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBASA ! ((:
hahaha :)
ReplyDeletekasama pa tlaga si awen at jamilpot! hahah.. ingtas pusut! mua.. imisssssssssssssü ~
weh?? haha.. awen ka jan?????????
ReplyDeletepanget mu!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDelete