"Nang akoy pinanganak" |
Ang kwento ng buhay ko ay matuturing kong simple at napakasaya. Naisip ko na swerte ako dahil binigyan ako ng maayos na pangangatawan at isang masasayang pamilya na kaloob ng Diyos. Tara Pag-usapan natin ang storya ng buhay ko.
Nagsimula ito sa pagiibigan ng aking mga magulang. Ang aking ama na si Marlon Sahagun Malabanan na galling sa isang maayos at masayang pamilya. Ang aking ina naman na si Annelyn Polintan Malabanan ay galling sa isang may kayang pamilya ng mga Gapaz. Maaga sila nagpakasal pero kahit ganon ang kalagayan ang aking magulang ay nagpatuloy silang nag-aaral at nakatapos ng lolehiyo. Sa panahong na nag-aaral pa sila ay isinilang ang aking panganay na kapatid na si Mark Anthony at sinundan naman ng aking ate na si Mary Anne. Kaming apat na magkakapatid ay puro M ang first name at A ang second name mula sa aking dady at mama.
"Nang ako'y isang taong gulang" |
"Nang ako'y abay sa kassal" |
Noon ako ay apat na taong gulang madalas kaming umalis magdady pagkatapos naming ihatid ang aking mama. Pumupunta lagi kame sa SM Megamall at bumibili ng laruan tapos kakain. Minsan pa niya ay nagalit ang aking mama dahil pumunta kami ng aking dadi sa tagaytay nang kami lang dalawa ng aking dadi. Kapag ako ay umuuwi ay hindi ko nalilimutan ang aking mga kapatid na dalhan ng mga pasalubong. Ang pinakamasayang bonding naming ay nang namasyal kami sa tagaytay na napakakapal ng hamog! At kinabukasan ay pumunta kaming Enchanted Kingdom at sumakay kami sa mga rides kapag naalis naman ang aking dady ay sa mga lola ko ako hinahabilin.Nakakalaro ko ang mga pinsan ko na minsan nga ay ayoko umuwi dahil sa masaya silang kasama. Pero kahit madami akong mga laruan ay mas gusto ko pa ring makapaglaro sa bata na kagaya ko.
"Nang kame ay na sa Enchanted Kingdom |
Kami ay nakatira sa isang bakanteng lote ng aking lolo. Maliit lamang ito halos pagpasok mo ay kusina at salas ang makikita mo. Ang kalahati nito ay aming kwarto na aming tinutulugan, di ko nga alam kung paano kami nagkakasyang lima doon,Nung ako ay limang taong gulang na ay pinaghanda ako ng isang Birth Day Party sa Jollibee. Sa panahong iyon ako ay nag-aaral sa Liceo De San Pablo ng kinder. Sa Parting yon ay mga klasmeyt ko ang mga imbitado at hindi mawawala ang aking mga pinsan
Dumating ang araw na tumanggap kami ng mana mula sa aking lolo ng isang lupa sa Sta.Isabel. Nakaipon pa nun ang aking mga magulang at nagpatayo ng bahay. Noong ito ay matapos ay ditto kami nanirahan.Dito mas nagging maalwan ang paninirahan naming. Ditto din dumating ang amga probliema pero nagawa naming malampsan
Ako ay pumasok ng grade 1 sa Central School . Sa panahong iyon nag-resign na si mama sa Max’s dahil siya ay buntis. Kaya mas pinili kong pumasok sa isang public school. Mula noon ay nagging simple na ang ameng buhay. Matapos akong mag grade 1 at pumasok sa Adventist school. Mula Kinder mula Grade 2 ay puro line of 7. mula nung grade 3.
Sa katotohanan, naisip ko na lumaki na ako at kailangan kung mag-aral na ayos. Siguro naingit ako sa mga grades ng classmate ko kaya ko naisip iyon. Praa ngang nag matured ang isipan ko nun dahil nakapag isip-isip ako. Mula noon nag-aaral akong mabuti at kahit papaano ay nagkakaroon ng line of 8. Sa pag-aaral ko sa school iyon ay natuto akong mag-aaral ng mabuti at nalaman ko ang kwento ng ating pinagmulan. Napalapit ako sa Diyos dahil isa tong adverntist scholl. Minsan na isip kong mag adventist dahil naimpluwensyahan nila ako pero tutol ang aking mga magula
"ME and my DAD |
Nang matapos angn nangyareng iyon ay patuloy pa din ang aking pag-aaral. Noong ako’y na sa grade 6 na ay naging masaya ako dahil dumadami ang aking mga naging kaibigan . Liakas saken ang pagiging palakaibigan at nung nagtapos na ako ng elementarya ay nagkaroon kame ng isang swimming. Lahat kame ay sinulit ang huling araw ng aming pagsasama. Kain dito,langoy duon,tawanan dito, at nang matapos ang kasiyahan ay nagpaalam na umiiyak ang iba kong classmate.
Matapos ang ilang buwan na bakasyon ay tumuntongna ako sa highschool. Pumasok ako sa Dizon High dahil nandon ang aking ninagn Lara upang tulungan ako sa pag-eenroll at naging 1-C ako. Sa panahong iyon ay nagkatrabaho na ang aking mama sa Bigg’s Diner. Noong unagn araw ko sa high school ay may nakilala agad ako at dumaan ang araw ay halos lahat na ang magkakakilala. Marame kaming naging masasayang araw lalo na pag ang teacher namen ay si Mrs. Donna Bautista. Sa panahong iyon ay masipag akong nag-aaral kaya pagdating ko sa sekondarya ay tumaas ang section ko at naging 2-B. Nanibago na naman ako dahil mga bago na naman ang aking mga classmate. Sa taong iyon ay natutunan kong mag “cutting” na hindi ko magawa dati. Tanda ko noon kapag may program o activity sa school at may pasok ng hapon, ang ginagawa ng 2-B ay nilolock ang room at lahat ay umuuwi hehehe! Ang lahat ng mga classmate ko ay lagi nagkakaisa sa mga gawain at laging sama-sama sa hirap at ginhawa. Ang 2-B ang masasabi kong pinakamasayang section at taon para sa akin.
Nang dumating ako ng 3rd year ay 3-B ang section ko pa din kaya madali na lamang ang makasalamuha. Sa taong ito naging tamad ako. Minsan ay nakopya na lamang ako ng assignment at kung minsan pa ay sa test at quiz. Pero hindi ko inaasa sa mga katabi ko, nag-aaral pa din naman ako at nkikinig. Sa panahong din iyon ay may nakilala akong isang tao na itinama ang aking mali . Importante para sa akin ang taong ito at hanggang ngayon ay masaya kame. Narasan ko ang 1st time na J.S PROM. Naging masaya ang gabinf iyon kahit hindi pinalad na manalo sa escort.
Ngayong 4th year high school ay nagsisikap ako mapataas ang marka para sa aking kolehiyo. Sinisigurado ko na makakagraduate ako ng high school. Ngayon last year ko sa high school ay nilalasap kp ang bawat araw na kasama ko ang mga kaibigan at classmate ko dahil alam kong magkakahiwalay na kame . Ang pagtutulungan sa bawat myembro ng 4-B ay lalo pang nagpatatag ng samahan. Hindi namen malilimutan ang high school life. Nagpapasalamat kame sa aming adviser na si Mr. Marcial Villanueva na lagingnagpapasaya ka da klase at tumutulong sa amen. Masasabi kong napakaswerte namen sa kanya dahil lagi syang tumutulong.
"My one and Only" |
Sa pagtatapos ng aking talambuhay ay hindi ibig sabihin ay dito na natatapos ang aking kwento. Dahil patuloy akong mag-aaral upang makamit ang aking mga pangarap at magkaroon ng magandang kinabukasan kahit sa panhong ito ay napakahirap. Kasama ng aking paglaki ay paglawak ng aking kaisipan at pagunawa.
Abangan mo ang susunod kong kwento! See you! Take care! God bless!
TO BE CONTINUED
"Other pictures"
"Bonding of Family"